By: Margaret Padilla
Asahan na tutugunan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng isyung gustong marinig ng mga Pilipino sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA), ang pahayag ng presidential son at Ilocos 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos noong Lunes.
Sinabi niya na naniniwala siyang matutuwa ang mga tao sa sasabihin ng kanyang ama.
“I don’t want to give everything away. But I think everything that we are expecting to hear, you will hear,” aniya.
Sa isang chance interview sa Batasang Pambansa sa Quezon City, tinanong si Sandro tungkol sa mga partikular na paksang tatalakayin sa talumpati ng pangulo.
“I think (about what) people are looking for, and that’s what I think will signal to our foreign investors, our local investors, and of course our legislators who will be listening in as to what the direction is going to be of this administration in the next six years,” ayon kay Sandro.
Sinabi ng presidential son na nandoon siya noong nagsusulat at nag-eensayo ng talumpati ang kanyang ama, at magiging “teknikal” ang talumpati ng pangulo.
“Hindi ko pa nakikita ang lahat. Nakita ko ang bahagi ng kanyang pag-eensayo nito. Ito ay magiging sa teknikal na bahagi.”
Sinulat ni Marcos ang kanyang unang SONA, ayon kay Executive Secretary Victor Rodriguez. Sa isang panayam noong Biyernes, sinabi ng kalihim na kasama sa SONA ni Marcos ang economic agenda ng kanyang administrasyon, ang coronavirus disease 2019 pandemic response efforts, at mga hakbangin para matiyak ang food security ng bansa.
Samantala, ayon naman kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, nais ni Marcos na maging simple ang SONA rites.