By: Jen Lopez
Kung matatandaan matagal-tagal na rin ang controversial hiwalayan ng beauty queen na si Ruffa Guiterrez sa kanyang ex-husband na si Yilmas Bektaş. At netong taon lang naging usap-usapan ang relasyon ng beauty queen sa senatorial candidate na si Hebert Bautista matapos magtambal sa palabas na “House arrest of us”.
Sa mga interview kay Ruffa, nabanggit nito na si Herbert ang nagtulak sa kanya upang makapagtapos ng kolehiyo at nitong ika-25 ng Abril nag-launch si Ruffa ng isang sariling brand na kasama ang kaibigang entrepreneur Maricor Flores sa Pandan Asian Cafe Restaurant sa Quezon City.
Karamihan sa mga produkto ng kanyang brand ay mga gamit na pampaganda ng kutis at make-up related products.
Masaya rin ibinahagi ni Ruffa kung paano siya hinikayat ni Herbert na bumalik sa pag-aaral.
“Tama yung sinabi niya sa isang interview na we are in a mature relationship. Imagine I haven’t been in school for more than 30 years and when we first met each other on the set of “House Arrest of Us,” talagang ine-eng-courage niya ako. Sabi ko I really want to do master classes or short courses. Sabi niya bakit hindi mo tapusin ang college? Matalino ka. Parang I was doubting myself pa. Sabi ko ‘can I really do it pa ba?’ Why not di ba?.”
“So with him encouraging me, I was able to finish and get a college degree.I’ll be graduating in July and my kids are so proud of me. I think ang kailangan natin sa buhay natin ngayon para mag-glow tayo ay yung nagbibigay sa atin ng encouragement at hindi stress. He doesn’t give me stress, he just makes me glow, and that’s just what we need,” ayon kay Ruffa.
