By Christian Dee

MAYNILA – Inihalal bilang pangulo ng Metro Manila Council ang alkalde ng lungsod ng San Juan si Mayor Francis Zamora.

Sa isang pahayag, sinabi ng lokal na pamahalaan ng San Juan na inihalal si Zamora habang nasa joint session kasama ang Regional Development Council (RDC) noong Sabado.

“Unang-una sa lahat, ako ay nagpapasalamat po sa mga bumubuo sa Metro Manila Council, kay MMDA Chairman Artes, sa lahat ng Metro Manila Mayors, maraming salamat sa tiwala sa akin,” ani Zamora sa nasabing pagpupulong.

Ilan sa mga miyembro ng konseho na dumalo rin ay sina Pateros Mayor Mike Ponce III, Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr., Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, Manila City Mayor Honey Lacuna, Malabon City Mayor Jeannie Ng-Sandoval, and Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose “Jerry” Acuzar.

Nabanggit din ni Zamora na isa sa kanyang mga prayoridad ay ang pag-apruba sa “single ticketing system” para sa 17 lokal na pamahalaan sa National Capital Region.

Ipinaliwanag ni Zamora sa isang panayam, na papayagan sa single ticketing system na sakaling mahuli ka sa isang lugar, maari mong bayaran sa iyong lungsod o lugar na tinitirhan ang nakapataw na multa sa iyong paglabag.

Leave a Reply