Share:

MAYNILA – Nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 28, isang 70-taong-gulang na lalaki ang namatay matapos aksidenteng mabagok habang lumilikas sa sunog sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Sabi sa isang ulat, nadala pa sa ospital si Delfin Enerva ngunit idineklara ring dead on arrival ang biktima.

Nagsimula ang sunog, ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-4:54 ng umaga. Umabot din ang insidente sa fire alarm ng 5:01 a.m. at idineklara ding under control na ang sunog matapos ang 49 minuto.

Samantala, napatay naman ang sunog bandang alas-6:22 na ng umaga.

Sabi ng isang may-ari ng bahay, sa bahay nila nagsimula ang sunog, partikular sa kwarto ng kanyang anak sa ikatlong palapag. Kumalat aniya ang sunog sa mga katabing bahay na gawa sa magagaang materyales.

Dalawampung pamilya at nasa 10 tahanan naman ang naitalang apektado ng sunog.

Ayon sa BFP, nasa 11 na truck at isang ambulansya ang rumesponde sa sunog.

Hindi pa natutukoy ng awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

Leave a Reply