By Christian Dee

MAYNILA – Sinabi ni Senator Grace Poe na hindi makatao ang pagpapatupad ng deadline na itinakda para sa traditional jeepney phaseout.

Sa isang privilege speech, sinabi rin ni Poe na salungat ito sa direktiba ng Konstitusyon sa pagsusulong ng “social justice.”

“To enforce a deadline is not only insanity, but also inhumane. Hindi makatao,” anang naturang Senador at chairperson ng Committee on Public Services sa Senado.

“It is contrary to the Constitutional directive to promote social justice in all phases of national development,” dagdag ni Poe.

Kaugnay ito ng pagpapatibay ng buong Senado sa resolusyong inihain ni Poe, na mariing nag-uudyok sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipagpaliban muna ang nakatakdang pag-phaseout ng mga tradisyunal na dyip sa Hunyo 30.

“It is also contrary to public welfare, as it will compound the acute shortage of public transportation modes in the country. Tignan na lamang natin ang mga pila tuwing rush hour. Naghahabulan,” aniya.

Sinuportahan naman ng mga Senador ang resolusyon.

Isa sa mga unang sumuporta sa resolusyon ay si Senate Majority Leader Joel Villanueva na ipinaliwag ding hindi ito tutol sa “modernization” bagkus ay ipinapanawagan sa LTFRB ang kanilang pagiging “considerate” dahilan ang pandemya at estado ng ekonomiya.

Samantala, ang ilang transport groups naman ang nagkakasa ng pitong araw na tigil-pasada sa susunod linggo para ipahayag ang kanilang pagtutol sa traditional jeepney phaseout.

Leave a Reply