By Christian Dee
MAYNILA – Sinabi ni Senator Grace Poe nitong Miyerkoles na magtatakda ang Senado ng pagdinig upang busisiin ang nangyaring “glitch” sa air traffic management system na nagdulot ng abala sa maraming flights noong mismong araw ng Bagong Taon.
Anang senador, maari pa ring magsagawa ng pagdinig kahit “break”. Plano ni Poe na magpatawag ng pagdinig sa Enero 12, Huwebes.
Nais ng senador na bigyan muna ng oras ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Department of Transportation (DOTr) upang gawing normal muli ang operasyon sa paliparan bago isagawa ang pagdinig.
“We can conduct hearings even during the break. I intend to call for a hearing on Thursday, Jan. 12. Allowing CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines) and DOTr (Department of Transportation) to normalize airport operations before conducting a hearing,” anang Senate Committee on Public Service chairperson sa isang pahayag.
Dagdag pa niya, sa araw na iyon anya ay wala nang dahilan ang mga key executives na hindi dumalo sa pagdinig.
