By: Aj Lanzaderas Avila
Pinuna ng sikat na social media influencer na si Senyora ang umano’y “plain and no budget design” ng tarpaulin ng Barkadahan Parylist at ginawan ito ng pangalawang design na ”Senyora beauty inspired,” na talaga namang kinagiliwan ng mga netizens.
Sinagot naman ito ng Barkadahan sa pamamagitan ng pagkasa sa “challenge” at agad pinalitan ng panibagong digitally inspired design ng mga sexy photos at animated compilations ng nasabing influencer ang tarpaulin.
Patok din ang naging caption na “BhOozxhs Senyora M@pH@gm@haL” na inspirasyon sa mga nagiging tema ng page ni Senyora.
Ang nasabing tarpaulin umano ng Barkadahan Partylist ay makikita malapit sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX).
