By: Francis Pio
Iniulat ng mga health authorities sa South Cotabato noong Martes ang unang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa lalawigan ngunit sinabing magaling na ang pasyente.
Sinabi ni Dr. Rogelio Aturdido Jr., Health officer ng South Cotabato, na ang pasyente ay isang 15-anyos na lalaki mula sa bayan ng Polomolok na nagpositibo sa sakit noong Disyembre 2 sa pamamagitan ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing.
Sinabi niya na ang bata ay sumailalim sa pagsusuri sa COVID-19 bilang parte alintuntunin para sa paglalakbay at agad na nasailalim sa quarantine pagkatapos magpositibong resulta.
