Share:

Inaprubahan ng Bangsamoro Transition Authority ang inisyal na pondong 50 milyong piso para bumili ng mas maraming medical oxygen bilang paghahanda sa posibleng COVID-19 surge sa rehiyon.

592 na aktibong kaso ang naitala sa limang probinsya at Lungsod ng Cotabato sa rehiyon base sa datos nitong Biyernes, Agosto 27, 2021. Nananatiling pinaka mababa sa Mindanao ang BARMM pagdating sa kaso ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, head of Department of Health – Epidemiology Bureau, ang rehiyon ay nananatiling tanging rehiyon na walang kaso ng Delta variant sa bansa. Dahil sa maliit na bilang ng samples na nakukuha mula sa lugar. Ganun pa man nagpapatuloy ang paghahanda ng rehiyon dahil sa banta ng variant.

Leave a Reply