By Christian Dee
MAYNILA – Epektibo na simula nitong Huwebes, Disyembre 1, ang pagdadagdag sa presyo ng mga produktong liquefied petroleum gas (LPG).
P2.25 kada kilo ng LPG ang itinaas ng Petron at ng Phoenix LPG Philippines, base sa kanilang magkahiwalay na anunsyo.
Mas mataas naman nang kaunti ang itinaas ng Solane kumpara sa dalawang kompanyang nabanggit.
Ang Solane ay nagdagdag ng P2.27 kada kilo ng LPG.
Samantala, para naman sa AutoLPG, nag-abiso ang Petron na tumaas ito ng P1.26, habang sa Phoenix LPG Philippines naman ay P1.25.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay itinaas din ng mga kompanya ng langis ang mga produktong LPG na P3.50 hanggang P3.55 kada kilo nito.
Noong nakaraang buwan din ay nagtaas ng P1.95 hanggang P1.96 ang presyo ng AutoLPG.
