By Christian Dee
MAYNILA – Itinanghal sina Alexa Ilacad at KD Estrada bilang Best in Costume sa Start Magical Christmas event na ginanap noong Linggo, Nobyembre 27.
Bukod sa nasabing pagkilala, pinangaralan din ang magkatambal bilang Metro’s Best Couple.
Inirampa ng mga Kapamilya celebrities ang kanilang mga naggagandahang kasuotan para sa nasabing Christmas event sa Sheraton Hotel Manila.
Isinagawa ang selebrasyon ito upang gunitahin ang ika-30 anibersaryo ng Star Magic at ang holiday season.
Nagsilbi ring reunion ang ganap na ito sa higit 100 artista sa ilalim ng talent management na Star Magic, at may pasabog pang parangal para sa mga ‘head-turners’ sa nasabing event.
Kahanay nina Ilacad at Estrada, pinangaralan din si Janella Salvador at Aljon Mendoza bilang Metro’s Best Dressed.
Metro’s Showstopper naman ang iginawad sa anak nina Janice de Belen at John Estrada na si Kaila Estrada, habang Metro’s Most Creative naman ang ibinigay para kay Daniela Stranner.
Ang grupo naman nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Joshua Garcia, Ria Atayde, Gela Atayde, Alora Sassam, Hyubs Azarcon ay nagdamit bilang mga sundalo sa “The Nutcracker.”
Nakamit naman ng nasabing grupo ang Metro’s Best in Character.
Ang mga pondo namang nakalap mula sa event ay mapupunta sa Anawim, isang pasilidad para sa mga mahihirap at abandonadong matatanda.

Photo from KD Estrada/Instagram