By: Aj Lanzaderas Avila
Papatunayan ni ngayo’y Taguig City Councilor Atty. Darwin Bernabe Icay ang kalidad ng kanyang pagseserbisyo publiko sa Camara bilang representante ng Lunas Party List para sa darating na Halalan 2022.
Maliban sa pagiging isang konsehal ng Taguig, isa ring abogado at dating youth leader si Icay na halos tatlong dekada nang nagseserbisyo sa taumbayan at mayroong malinis na track record.
Sinimulan ni Icay ang kanyang karera sa pulitika bilang isang SK kagawad, at kinalauna’y naging SK chairman din.
Itinilaga ang konsehal noong 2010 bilang Public Information Officer ng lungsod ng Taguig. At sa kanyang liderato, nasimulan ng pamahalaang lungsod ang paggamit ng social media platforms upang mainam na magpakalat ng mga impormasyon sa kanilang mga nasasakupan.

Kasalukuyang Majority Floor Leader ng konseho ng lungsod ng Taguig si Coun. Atty. Darwin Bernabe Icay at kinikilalang isa sa mga pinakamasipag at produktibong miyembro ng konseho.
Tatatak ang panunungkulan ni Coun. Icay bilang tagapagtaguyod ng hustisya sa lungsod ng Taguig. Ito’y sa pamamagitan ng kanyang inisiyatibo at mga proyekto na nagbigay daan upang makapagbigay ng libreng legal assistance, legal advice, at libreng edukasyon sa kanyang mga nasasakupan.
Bilang patunay ng kanyang kalidad na serbisyon, ibinoto at itinilaga ng mga konsehal sa iba’t ibang parte ng Pilipinas si Icay bilang PCL vice president for Luzon noong 2018, at Executive Vice President for PCL Philippines noong 2019.
