Share:

By Margaret Padilla

Magsasama-sama ang tatlong ‘Sangres’ ng 2016 fantaserye na Encantadia, na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Kylie Padilla sa isang upcoming GMA “mega serye.”

Noong Disyembre 5, nag-post ang GMA network ng dalawang larawan ng tatlong aktres at ng iba pang cast sa Instagram page nito at iba pang social media accounts.

Look: The star-studded cast of GMA’s upcoming MEGA SERYE this 2023,” saad sa caption nito.   

Sinabi ni Garcia na kamakailan lamang ay nabigyan sila ng pagkakataong magtrabaho sa isang buong serye kaysa sa mga guest appearance lamang.

We’ve grown individually through the years. After all those years na bata pa kami, magsasama uli kami ngayon na we’re still the same people with different stories to tell kaya exciting,” ang sabi pa ng aktres. 

Gayundin, ayon kay Lopez, para silang bumalik sa nakaraan, noong nagsisimula pa lang sila sa Encantadia at kung paano sila nag-training noon.

Para kasing bumalik talaga sa amin lahat na… remember noong nag-uumpisa pa lang tayo sa Encantadia, kung paano rin tayo nag-training noon.Tungkol ito sa drama, sa love story, historical din ito at fantasy din, halos nandoon lahat, lalo na ang action, nandito,” aniya. 

Sinabi rin ng GMA na ang paparating na ‘action-packed series’ ay magpapakita ng girl power.

Very brave sa mga ganitong klaseng concept and talagang in-embrace nila ang women empowerment, lalo na ang cast na ito, very powerful,” dagdag ni Garcia.

Kabilang din sa cast nito ay sina Rochelle Pangilinan, Michelle Dee, Arra San Agustin, Zoren Legaspi, Kristoffer Martin, Vin Abrenica at iba pang mga artista.

Samantala, hinahanap naman ng mga netizens si Glaiza de Castro, na lumabas sa Encantadia bilang “Sangre Pirena” kasama sina Padilla, Lopez, at Garcia. Ang pinakahuling palabas ni De Castro ay ang “Running Man Philippines.”

Si Sangre Pirena na lang ang kulang. Nasaan si Pirena? Hindi kumpleto,” ang post ng mga netizens.(Photo Source: GMA Network)

Leave a Reply