MAYNILA – Nitong Martes, Marso 14, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na nakausap na niya si Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. kung saan ipinahayag niya ang pagkatakot para sa kaligtasan ng kanyang tao at kanyang pamilya.

Sabi ni Romualdez, tumawag sa kanya kagabi si Teves mula sa isang hindi matukoy na lokasyon at ipinarating ang naturang pangangamba.

“Cong. Arnie Teves got in touch with me through a phone call last night from an undetermined location,” anang House Speaker.

“He expressed fear for the safety of his person and his family, saying this is the reason why he refuses to return home at this time,” dagdag pa ni Romualdez.

Tiniyak naman ni Romualdez kay Teves na bilang House Speaker, gagawin nito ang lahat ng pagsisikap upang masiguro ang personal na kaligtasan ng lahat ng miyembro nito.

Naatasan na rin ni Romualdez ang House Sergeant-at-Arms upang makipagtulungan sa mga “law enforcement agencies” at paghandaan ang angkop na “security arrangements” para sa pagbabalik ni Teves.

“Pero inulit ko rin kay Cong. Arnie, he needs to go home and report for work immediately as he no longer has the authority to travel outside the country,” ani Romualdez.

“Gusto rin naming marinig sa Kongreso ang panig niya,” dagdag pa niya.

Para kay Romualdez, kung may kaso mang kailangang harapin si Teves, nararapat na ito ay harapin sa loob ng bansa.

Leave a Reply