Share:

Naihatid ngayong araw ang tulong mula sa mga volunteer organizations na sumusuporta kay Mayor Isko Moreno Domagoso para sa mga lubhang nasalanta ng Typhoon Maring sa Northern Luzon.

Sa pangunguna ng ISKO Northern Alliance (INA) na miyembro ng National Alliance for Isko (NAISKO) at Ikaw Muna Pilipinas (IMP), nagsagawa ng relief operations sa iba’t-ibang lugar na nasalanta ng bagyo ang mga tagasuporta ni presidential aspirant Isko Moreno partikular sa rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera Admisnistrative Region (CAR).

Nakipagugnayan ang mga pinuno ng mga volunteer groups sa opisina ni Mayor Isko Moreno para maipaabot ang nararapat na tulong sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

Nakahanda na ring tumulong ang iba’t-ibang organisasyon mula sa National Capital Region (NCR) at ibang parte ng Luzon, Visayas at Mindanao na pareho ring sumusuporta sa alkalde.

Hinagupit ng malakas na hangin at tuloy-tuloy na pagulan ang Benguet at ibang parte ng Northern Luzon noong araw ng Lunes. Isang bahay naman ang natabunan ng gumuhong lupa sa La Trinidad town, Benguet na ikinasawi ng tatlong menor de edad.

Bukas ang tanggapan ng ISKO Northern Alliance (INA) at Ikaw Muna Pilipinas (IMP) para sa mga gustong makapagpaabot ng tulong sa mga lubhang naapektuhan ng bagyong Maring. Maaaring tumawag sa kanilang numero +639686280986 o mag-iwan ng mensahe sa kanilang Facebook page, http://www.fb.com/ikawmunapilipinas o sa kanilang email: impilipinas.org@rapidnewsph

(By: Aj Lanzaderas Avila)

Leave a Reply