Share:

Umani ng batikos ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Padilla matapos itong sumali sa Tingog Party-list na isa sa mga bumoto laban sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Tumakbo bilang third nominee ng Tingog Party-list si Karla Estrada na nagdulot ng pagkadismaya ng fans. Nitong nakaraang linggo gumawa ng open-letter ang mga fans upang iparinig ang kanilang hinaing patungkol paghain ng kandidatura ni Karla.

Nagpalabas ng pahayag ang ABS-CBN patungkol sa pagkandidato ni Karla Padilla. Ayon sa network, kanilang nirerespeto ang desisyon ng aktres sa kabila ng pagboto ng Tingog Party-list laban sa ABS-CBN. (By: Frances Pio)

Leave a Reply