Share:

Kinakailangan ng Lungsod ng Zamboanga ng karagdagang supply ng oxygen sa lungsod bunsod ng pagdami ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ang lungsod ay nakapagtala ng 17,882 na kaso ng COVID-19 at ang 2,551 dito ay active cases, ayon kay COVID-19 task force spokesperson Atty. Kenneth Beldua ng Zamboanga.

Umangat sa 86 percent ang hospital occupancy ng lungsod na nasa critical risk. Ang Zamboanga City Medical Center na COVID-19 referral facility ng rehiyon ay umabot na sa maximum capacity ayon kay Atty. Beldua. (By: Frances Pio)

Leave a Reply