Share:

Sa pakikipagtulungan ng Japan government sa UN-Habitat Philippines, nakapaghandog ito ng 150 permanent houses para sa mga biktima ng Marawi Siege noong 2017.

Ang mga bahay ay matatagpuan sa Barangay Kilala, Marawi City. Ito ay ikatlong parte ng joint project. Sa kasalukuyan, 300 na bahay ang napamahagi na sa mga biktima.

Inaasahang makapamahagi ng 1000 na tahanan sa mga residente na nabiktima ng Marawi Siege. Ayon sa pahayag ng Japanese Embassy, nais nilang tumulong sa pag-usad ng kapayapaan sa Mindanao kasabay ng pagtulong sa rehabilitation upang makabangon ang Mindanao. (By: Frances Pio)

Leave a Reply