By: Frances Pio

Umakyat sa 378 ang naiulat na bilang ng nasawi dahil sa Bagyong Odette, habang 62 ang nawawala at 742 ang nasugatan, sinabi ng disaster management agency nitong Linggo.

Sa pinakahuling datos, naiulat ang 54 na pagkamatay, 73 na nasugatan at 10 ang kumpirmadong nawawala, habang ang iba ay nakahanda para sa validation, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang bagyo, na lumabas sa monitoring area ng bansa noong nakaraang linggo, ay nagdulot ng kapinsalaan sa ilang lugar. Sinabi ng NDRRMC na ang pinsala sa agrikultura ay umabot na sa ₱3,963,676,507 habang ang pinsala sa imprastraktura ay umakyat sa ₱16,577,654,475. Halos apat na milyong tao o mahigit isang milyong pamilya sa bansa ang naapektuhan.

Leave a Reply