Share:

By Margaret Padilla

Noong Disyembre 20, kinumpirma ng Amazon Prime Video na ang ‘Ten Little Mistresses’ (Sampung Mga Kerida) ni Jun Robles Lana ang magiging unang Pilipino Original Movie na ipapalabas sa Amazon sa Pebrero 2023.

Inanunsyo ito ng IdeaFirst Company, isang Filipino film production firm na gumawa ng nasabing pelikula, sa Facebook page nito.

Ayon sa GMA News, umaasa si direk Jun Lana na ang ‘Ten Little Mistresses’ ang magiging “biggest, wildest, campiest mistress movie to end all mistress movies.”

Ang pelikula, ayon sa direktor, ay pinagsama ang mga sikat na genre sa industriya ng pelikulang Pilipino, tulad ng comedy, drama, mystery, at mistresses

“Paired with over-the-top costumes and larger-than-life personalities, the film provides audiences with a grand spectacle to look forward to,” sabi ni direk Jun.

Gaganap sa pelikula sina Eugene Domingo at Pokwang, na parehong Kapuso comediennes. Parehong ibinahagi ng dalawang aktres ang balita sa kanilang mga Instagram account.

Kasama rin sa ‘Ten Little Mistresses’ sina John Arcilla, Christian Bables, Arci Munoz, Carmi Martin, Agot Isidro, Kris Bernal, Sharlene San Pedro, Adrianna So, Kate Alejandrino, Iana Bernardez, at Donna Cariaga.

Ang kwento nito ay isang misteryo ng pagpatay na may mga tema ng komedya. Ang pelikula ay isang drama tungkol sa isang biyudong bilyonaryo na nagngangalang Valentin Esposo na may sampung kabit (mistresses) na nakikipag kompetensya sa isa’t isa upang maging kanyang bagong legal na asawa.

Ngunit nang madiskubreng patay ang napakayaman na lalaki, lahat ng kanyang babae ay pinangalanang pangunahing suspek sa pagpatay sa biyudo. Ngayon, kailangan nilang patunayan na sila ay inosente at kilalanin ang tunay na mamamatay-tao.

Mapapanood ang ‘Ten Little Mistresses’ sa Amazon Prime Video sa Pilipinas sa Pebrero 15, 2019, gayundin sa mahigit 240 bansa at teritoryo sa buong mundo. (Photos: The IdeaFirst Company)

(Photo: The IdeaFirst Company)

(Photo: The IdeaFirst Company)

Leave a Reply