By: Jen Lopez
Dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID19 virus, malaki ang naging epekto nito sa pag-aaral ng mga estudyante sa buong mundo. Ayon sa datos ng United Nations Children’s Fund (Unicef), marami ang mga estudyanteng nag drop out nang muling magbukas ang mga eskwelahan ng face-to-face classes.
Sa bansa, tumaas ng hanggang 16.9 percent hanggang 25.2 percent mula noong Enero hanggang Pebrero ang porsyento ng mga kabataang hindi na nakapag-aral ayon sa US Agnecy for International Development.
Sa kabilang banda, ayon sa Department of Education (DepEd) naging maganda naman ang naging resulta ng remote or online class, ngunit 1.1 million na estudyante rin ang hindi nakapag-enroll mula 2020-2021 dahil walang kakayahan na magkaroon ng internet access.
Ayon sa DepEd maglalabas muli sila nitong linggo ng bilang ng mga estudyanteng nag drop out upang ipakita ang naging epekto sa edukasyon ng mga kabataan ang nangyareng pandemya at makapagbigay ng solusyon sa usaping ito, o tinatawag nilang “learning recovery plan”.
Sa mga kalapit bansa naman katulad ng Malaysia, ang kanilang Ministry of Education ay binabatayan rin ang bilang ng mga kabataang hindi na nakapag-aral dahil rin sa nangyareng pandemya.
Habang sa Thailand, nagsisikap rin ang kanilang bansa upang matunton kung ilang estudyante na sa kanilang bansa ang hindi makapagpatuloy sa pag-aaral, ayon sa Unicef.
