By Frances Pio
––
Inihayag ni Vice President Sara Duterte noong Sabado na anim na regional offices ng Office of the Vice President ang binuksan upang palawakin ang kanyang abot sa buong bansa.
“Sa aking unang buong araw bilang bise presidente, nagbukas po tayo ng mga satellite office sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang matulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng madali at agarang access sa mga serbisyong mula sa Office of the Vice President,” sinabi ni Duterte sa isang post sa Facebook.
Matatagpuan ang OVP satellite offices sa Ilocos Region, Cebu sa Central Visayas, Tacloban sa Eastern Visayas, Zamboanga sa Zamboanga Peninsula, Davao sa Northern Mindanao, at Tandag sa Caraga.
Pansamantalang binuksan ni Duterte ang kanyang opisina sa Quezon City Reception House, na ginamit ni dating Vice President Leni Robredo.
Nauna nang sinabi ni Duterte na naghahanap siya ng permanenteng lokasyon para sa OVP dahil ang mga naunang bise presidente ay nanunungkulan sa iba’t ibang lokasyon.