Sinabi ng World Health Organization (WHO) nitong Martes na hindi pa inirerekomenda ang paggamit ng face shield sa kabila ng banta ng Omicron COVID-19 variant.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na ang coronavirus ay nakukuha sa pamamagitan ng close-contact, hindi sa pamamagitan ng hangin.
“The WHO has right along said that this virus is not airborne. It’s close-contact transmission and that is why we emphasize that what is important is the physical distancing, and the face masking, and the hand hygiene,” ayon kay Abeyasinghe
Ayon kay Abeyasinghe, dapat sumunod ang publiko sa minimum health standard na kasalukuyang itinakda habang pinag-aaralan ang muling pagpapatupad ng patakaran sa face shield. (By: Frances Pio)
