Sinabi ni Cebu City Mayor Michael Rama, ang pinuno ng Partido Barug-PDP Laban, na hihintayin nila ang pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ipahayag kung sino ang susuportahan para sa pagkapangulo sa 2022.

Nabuo ito matapos opisyal na bawiin ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang presidential bid nitong Martes ng umaga, Nobyembre 30, 2021.

“Sa ngayon, handa po akong magsakripisyo alang-alang sa kapakanan ng ating bayan at ni Pangulong Duterte. Simpleng probinsyano lamang po ako na binigyan ng pagkakataong magsilbi sa taumbayan. Hindi ko inambisyon na maging presidente. Puro serbisyo lang po ako. Dahil ang bisyo ko po ay magserbisyo,” pahayag ni Senator Bong Go nitong Bonifacio Day.

Bago magbigay ng pahayag nitong Martes, personal na nakausap ni Rama si Go tungkol sa pag-withdraw at nalaman niyang ayaw ni Go na maging dahilan ng awayan ni Pangulong Duterte at ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte. (By: Frances Pio)

Leave a Reply