Si Vice President Leni Robredo at Mayor Isko Moreno ay nagsama sa isang proyekto nitong Martes, June 22, 2021. Ginanap ang “vaccine express” event sa Cultural Center of the Philippines(CCP) sa Lungsod ng Maynila. Ang parehong opisina ay nagsama upang bakunahanang mga nasasektor ng transportasyon gaya ng pedicab, tricycle, at delivery drivers.
Lumutang ang mga katanungan sa dalawa na may koneksyon sa darating na eleksyon 2022. Ang katanungan kung ang partnership na ba na ito ay magpapatuloy hanggang 2022. Ang sagot ni Mayor Isko, “Di natin alam. Maybe I’ll retire, she’ll retire. Everybody can rest, or maybe I don’t know. That is masyadong far-fetched dahil what matter most today is yung pandemic, dahil may health threat sa tao.”
Mariing sinasabi ni Mayor Isko at ni VP Leni na nakatutok sila sa pagtugon sa kasalukuyang krisis sa bansa dala ng pandemya. Ganun pa man matatandaang parehong napupusuan ang dalawa na maging standard bearer ng 1sambayan para sa darating na eleksyon. Si Mayor Isko ay tumanggi sa alok na ito at si VP Leni ay wala pang desisyon.