By: Margaret Padilla
–
Kinumpirma ni Consul General Josel Ignacio ngayong Miyerkules na mayroong sampung Pinoy na nagpositibo sa Covid-19 sa Shanghai.
“We regret that ten of our nationals have been taken to quarantine and have tested positive,” ang pahayag ni Ignacio sa isang panayam sa ANC.
Sinabi pa niya na ang mga nasabing OFWs ay nakipag-ugnayan sa Philippine Consulate General sa lugar, at sila ay direktang nakikipagkomunikasyon sa kanila. “We are taking care, and looking after them, one-on-one, they tell us what they need,” aniya.
Pagkatapos ay sinusubukan ng konsulado na maitaas sa mga awtoridad ang anumang impormasyong natanggap nila depende sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.
Samantala, inamin ng consul general na ang pagdadala ng relief aid sa Shanghai ay isang malaking hamon na kailangang harapin ng lahat ng consular mission, hindi lang ang Philippine consulate.
Ayon sa kanya, hindi lamang mga residente ang apektado ng lockdown; gayundin ang mga diplomatic missions. Ang resulta, ang pagsasagawa ng mga indibidwal na relief mission para tulungan ang kanya kanyang mamamayan ay mahirap para sa lahat ng consular mission.
“For the time being, we are all working from home, doing our best to get this assistance remotely. Right now, we are looking into the mechanics of how, when we receive the budget from OWWA and DFA, we can translate this into a mechanic that we can get to our people in the meantime that we are all locked down,” ang sabi ni Ignacio.
Ayon pa sa consul general, isa sa mga hamon na inaasahan ng konsulado bago mag-lockdown ay ang pangangailangang makakuha ng pagkain sa gitna ng “ilang panic buying” sa lungsod. Sinabi pa niya na dahil sa ‘limited mobility’ sa lungsod, ang tulong ay kailangang maihatid online.
“That’s why the request for assistance is in the form of vouchers, food cards that are as good as cash which Filipinos can use to purchase food online,” ang kanyang paliwanag.
Nakatakdang mamahagi ang consulate ng mga relief supplies ngayong linggo.
