Share:

Sumadsad ang isang malaking fishing vessel sa Barangay Tibanban sa bayan ng General Generoso dahil sa Bagyong Maring.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, hindi nagtamo ng sira ang barkong FB Leeward ng sumadsad ito sa dalampasigan. Rumesponde ang Philippine Coast Guard sa Barangay Tibanban dahil sa sumbong ng mga residente na nagkaroon ng oil spill. Patuloy ang imbestigasyon patungkol dito.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Davao Oriental, 24 na bahay ang napansila dulot ng Bagyong Maring sa bayan ng San Isidro at General Generoso. 769 na pamilya ang inilikas at nakabalik na sa kanilang mga tirahan base sa abiso ng LGU. (By: Frances Pio)

Leave a Reply