Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inaresto ng mga awtoridad sa Pampanga ang magkakaibigang nahuling kumatay, nagluto, at namulutan ng karne ng aso.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon noong Sabado, Pebrero 4, mula sa isang concerned citizen ang office of the Vice Mayor ng Angeles City.

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang City Veterinary Office, ayon sa chief adviser ng alkalde na si IC Aguas, para sana ma-rescue pa ang aso o mga aso.

“At that time hindi pa po natin alam kung ilan… Mukhang magkakaroon ng kaunting kasiyahan, ipupulutan ‘yung aso,” aniya.

Bawal at labag sa Animal Welfare Act of the Philippines ang ginawa ng magkakaibigan sa mga aso kaya naman inaresto ito ng mga awtoridad sa Barangay Lourdes Sur sa naturang lugar.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa mga residente ang pinanggalingan ng karne ng aso pati na rin ang pag-iimbestiga kung may iba pang mga nagsasagawa ng kaparehong akto sa aso.

Nabalitaan din, ani Calaguas, na mukhang tradisyon na ng naturang mga magkakaibigan ang pagkatay ng aso.

Nagulat din ang chief adviser ng alkalde kung bakit mayroon pa ring mga taong gumagawa noon sa kabila ng maigting na kampanya ng Angeles City “laban sa pagsalit ng hayop o ‘yung ating kampanya sa animal welfare.”

Sasampahan naman ng kaso ang tatlong nahuli sa aktong ginagawang pulutan ang karne ng aso.

Leave a Reply