By: Frances Pio

Tatlumpu’t dalawa sa 613 na pasahero ng isang barko mula Maynila ang napag-alamang nagpositibo sa COVID-19 base sa rapid antigen tests na isinagawa pagdating nila sa Zamboanga Port noong Miyerkules ng gabi.

Ang barkong SMA-2GO ay dumaong sa Dumaguete City bago tumuloy sa Zamboanga.

Sa 613 na pasahero, 245 ang sumailalim sa mga pagsusuri pagdating, base sa ipinatutupad na Executive Order No. BC 704-1022 na muling isasailalim sa RT-PCR requirement ang mga papasok na biyahero na nagmumula sa mga lugar na may mas mataas na alert level status.

Leave a Reply