By Frances Pio
–
Sa ngayon, nakapagtala na ang bansa ng 39,705 na kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hunyo 4 ngayong taon, iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules.
“Accumulatively, this is 31% higher compared to the reported cases during the same time period in 2021,” sinabi ni Health Spokesperson Usec. Ma. Rosario Vergeire sa isang virtual briefing.
Nabanggit ni Vergerie na 14 sa 17 na rehiyon sa bansa ang lumampas na sa epidemic threshold.
Ang Central Luzon, Central Visayas, at Zamboanga Peninsula ay mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga kaso, dagdag niya.
Bukod dito, 202 na pagkamatay na may kaugnayan sa dengue ang naitala mula pa noong simula ng taon. Mayroong 39 na pagkamatay na naitala noong Enero, 36 noong Pebrero, 34 noong Marso, 43 noong Abril, 48 noong Mayo at dalawa nitong Hunyo.
Inulit ni Vergeire ang panawagan ng DOH na sundin ang 4S strategy: search and destroy breeding places, secure self-protection, seek early consultation, and support fogging/spraying in hotspot areas.