Share:

By Frances Pio

––

Nanumpa si Senator-elect Rafael “Raffy” Tulfo nitong Miyerkules sa harap ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen.

Si Tulfo ay nanumpa sa pwesto sa gusali ng Korte Suprema sa Maynila.

Kasama niya ang kanyang asawang si Jocelyn Tulfo, ang party-list representative ng ACT-CIS.

Ikatlo sa 2022 senatorial race na may 23.3 milyong boto, nangako si Tulfo na maging “working senator.”

“For the past 20 years, marami po akong napakinggan na mga problema ng taumbayan at nagbigay ako ng solusyon, and kung ako nga po ay naging masipag na private citizen, ano pa kaya po na ako ay isang senador na?,” sinabi ni Tulfo noong Mayo sa isang panayam.

Layunin din ng broadcaster-turned-senator na kumuha ng degree sa Public Administration para paghandaan ang kanyang termino sa Senado.

Leave a Reply