By: Frances Pio
May kabuuang 51 na stranded na turista sa Siargao Island ang nakapagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang mga pamilya noong Sabado, Disyembre 25.
“Our Task Force Bangon Siargao Christmas day flight arrived back in Manila from Siargao with 51 passengers/tourists,” ayon kay Surigao del Norte First District Rep. Francisco Jose II “Bingo” Matugas sa kanyang Facebook post.
“Malipayon kami na nakauli na kamo sa ijo pamilya sa adlaw nan Pasko! (We are happy that you were able to come home to your families on Christmas Day),” dagdag pa niya.
Sa 51 pasahero, hindi bababa sa 22 ay menor de edad; ang pinakabata ay tatlong buwang gulang.
Samantala, sinabi ni Matugas na walang tigil ang relief operations sa Siargao, maging sa bisperas ng Pasko at Araw ng Pasko. Nagpapasalamat din siya sa mga donors na nagpaabot ng tulong sa kanila na matinding sinalanta ng bagyo.
