By: Frances Pio

Inanunsyo ng mga kumpanya ng langis nitong Lunes na magkakaroon rollback ang pump prices ng gasolina at diesel, gayundin ang kerosene simula Martes.

Sa magkahiwalay na advisories, ang Caltex, Petron, Total, at Phoenix Petroleum ay nagbawas ng presyo ng gasolina at diesel ng P0.20 kada litro at P0.65 kada litro, ayon sa pagkakasunod, epektibo alas-6 ng umaga sa Disyembre 28.

Ayon sa Petron, ang mga rollback na ito ay ayon sa paggalaw sa pandaigdigang merkado ng langis.

Samantala, kapwa binawasan din ng Caltex at Petron ang presyo ng kerosene ng P0.85 kada litro.

Leave a Reply