By Frances Pio

––

Isinailalim na sa state of calamity ang anim na bayan sa Lalawigan ng Quezon na sinalanta ng Super Typhoon “Karding”.

Ang Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni presiding officer Vice Gov Third Alcala ay nagpasa ng isang resolusyon noong Martes, Setyembre 27, na nagdeklara sa Polillo, Patnanungan, Panukulan, Jomalig, Burdeus, at General Nakar sa state of calamity.

Ang resolusyon ay nagbibigay-daan para makapaglabas ng P70-million quick response fund upang mabilis na matulungan ang mga biktima ng bagyo sa hilagang bahagi ng Quezon, sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council.

Sinabi ni PDRRMO Head Melchor Avenilla Jr. na ang anim na bayan ay nagtamo ng P186 milyon na pinsala sa agrikultura.

Ayon pa kay Avenilla na 16,000 na mangingisda at magsasaka ang apektado.

Halos 3,000 ektarya ng bukirin na tinamnan ng mais at palay, 2,878 ektarya ng mga fruit-bearing tree, at 27,640 puno ng niyog ang nasira

Leave a Reply