Nabakunahan na ng pamahalaan ng Lapu-Lapu City ang 97.96 porsiyento ng kanilang target na populasyon ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan sa kanyang Facebook post.

“2% na lang gyud kapin ang atong kinahanglan para mahuman na ta sa atong vaccination,” ayon kay Chan sa kanyang Facebook post.

Pinasalamatan ni Chan ang mga frontliners para sa tagumpay na ito, at idinagdag na ang lungsod ay nangunguna na sa Central Visayas sa pagbabakuna. (By: Francis Pio)

Leave a Reply