Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na malabo ang posibilidad ng pagkansela ng Halalan sa 2022 dahil sa paglubo ng kaso ng COVID-19, ngunit maaaring magkaroon ng pagpapaliban ng eleksyon sa iilang lugar kung kinakailangan.
“Unlikely…when you say we cancel an election, that means that the conditions for free and fair elections don’t exist. When you have a surge, that’s not the case,” ayon kay Jimenez sa isang press briefing nitong Lunes, Nob. 29.
Malaking banta sa maraming bansa ang kumakalat na bagong Omicron variant mula sa bansang South Africa. Dahil dito kinatatakot ng ilang awtoridad ang posibilidad na makapasok ito sa bansa. (By: Frances Pio)
