Share:


Tinitignan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibilidad ng pagtatayo ng logistics hub sa Pag-asa (Thitu) na inuukopa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS)

“We came up with the proposal to turn our municipality in Pag-asa into a logistics hub so our ships, instead of going back to Puerto Princesa to refuel, will get their supplies there,” pahayag ni AFP Chief Gen. Cirilito Sobejana sa isang panayam sa dzBB radyo noong Martes (Mayo 4).

Ang Pag-asa island ang pinakamalaki at pinakamahalagang outpost ng Pilipinas sa Kalayaan Group of Island. Ito ay may layo lamang na 400 kilometers mula sa mainland ng Palawan. Ito ang nag-iisang hawak ng Pilipinas na may civilian community. Ang walo pa natitirang mga isla at mga bahura ay pinamamalagian na ng tropang Pilipino.

Leave a Reply