Share:


Nitong Martes, ayon sa Department of Health (DOH) umaabot ng 57,000 ang mga tumatawid na nasagasaan sa loob ng sampung taon.

Mula 2005 hanggang sa taong 2015, tinatayang 18,586 ang mga nasagasaan ng morotsiklo at 13,134 naman sa mga tinamaan ng pribadong sasakyan.

Meron ding 403 na ang namatay nang masagasaan ng sasakyan at 341 naman sa mga tinamaan ng truck.

Ayon kay Health Director Beverly Lorraine Ho, pinakamadalas umano ang mga ganitong aksidente sa bansa. Kaakibat umano ito ng pagtaas ng bilang ng mga taong nagmamayari ng sasakyan at motorsiklo.

Pinahayag ito ni Lorraine Ho sa ginanap na online press conference para sa Philippines Road Safety Month.

Nais ng Health Director na maglagay ng mga taga bantay sa mga malalaking truck na hirap makita ang mga gilid upang makaiwas sa mga aksidente.

Nagsalita din si Co-convenor of the move as one coallition, Robert Siy na magsawa ng mga “ground level” na tawiran. Maari din daw baguhin ang mga plano para sa mga kalsada ng bansa upang makapagbigay ng daan sa mga tumatawid at mga naka bisikleta.

Dagdag pa ni Siy, may sapat na budget ang gobyerno upang pagbutihin pa ang kalsada. Umaabot pa umano ito ng P350-million ang hawak ng Department of Works and Highways (DPWH) para sa mga proyekto tulad ng green spaces at active transport nitong taon.

Leave a Reply