By Frances Pio
–
Dalawandaan at tatlong mga barangay sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang naapektuhan ng kinatatakutang African Swine Fever (ASF) sa nakalipas na dalawang taon.
Sinabi ni Dr. Cameron Odsey, regional director ng Cordillera Office ng Department of Agriculture (DA-CAR), noong weekend na ang bilang ng ASF-infected villages ay 16 percent ng 1,178 barangay sa administrative region.
Idinagdag niya na para sa taong ito lamang, humigit-kumulang P247.5 milyon ang inilaan ng ahensya para sa patuloy na swine production feed assistance program tungo sa pagsasakatuparan ng swine repopulation program ng gobyerno.
Layunin ng programang repopulation na ibalik ang katatagan ng suplay at presyo ng baboy sa mga lokal na pamilihan.
Sinabi ng opisyal ng DA-CAR tungkol sa ASF-infected na mga barangay, 46 ang infected zones, 12 protected zones at 19 buffer zones.
Sinabi ni Odsey na ang nararapat na depopulasyon ay isinagawa sa natukoy na ASF-infected na mga barangay sa rehiyon habang ang pagdidisimpekta ay natapos sa mga hog farm kung saan natuklasan ang mga baboy na nahawaan ng ASF.