Share:

By Frances Pio

––

Napag-alaman kamakailan ng imbestigasyon ng pulisya na ang isang menor de edad na pumatay sa kanyang ama sa bayan ng Libungan, Lalawigan ng Cotabato noong Martes ay isang “battered child” na dumanas ng pisikal na pang-aabuso sa loob ng mahigit dalawang taon.

Sa salaysay ng mga kapitbahay sa Barangay Ulamian, sinabi ni Maj. Jojie Barotas, hepe ng Libungan police, na nagkaroon ng mainitang pagtatalo si Rafael, 44, sa kanyang 15-anyos na anak bago ito pinagsasaksak hanggang sa mamatay dakong alas-6 ng umaga.

Idinagdag ni Barotas na umamin ang suspek na binugbog ng kanyang ama noong umagang iyon matapos makipag-away sa telepono sa kanyang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ang pambubugbog ang nagtulak sa suspek na kumuha ng kutsilyo at saksakin ang kanyang ama sa dibdib at tiyan.

Ayon kay Barotas, nangyayari ang pisikal na pang-aabuso sa 15-anyos na batang lalaki at tatlo pang kapatid nito sa tuwing may away si Raphael sa telepono sa kanyang asawa na umalis para magtrabaho sa ibang bansa noong 2019.

“Actually, the neighbors are used to it already. But they didn’t expect that it would worsen into having the son kill his father,” ayon kay Barotas.

Sinabi ni Barotas na habang sumasailalim sa interogasyon, ang menor de edad ay nagpakita ng pagsisisi sa insidente, na umamin na siya ay napuno ng galit.

Ang menor de edad ay nasa kustodiya na ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Libungan, sumasailalim sa psycho-social intervention.

Leave a Reply