Share:

By Frances Pio

––

Nasa 1.3 milyong indibidwal na ang nakarehistro bilang mga bagong botante sa ngayon, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo.

Ibinahagi ni Comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco ang development sa kanilang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sa Disyembre 5.

Ayon kay Laudiangco, may kabuuang 1,307,593 bagong rehistradong botante ayon sa datos ng Comelec noong Hulyo 15.

Sa mga bagong rehistradong botante, 863,078 ang nasa edad 15 hanggang 17; 435,266 ay nasa edad 18 hanggang 30; at 72,249 ay nasa edad 31 pataas.

Ang pagpaparehistro ng mga botante para sa Barangay at SK elections ay nagsimula noong Hulyo 4 at magtatapos sa Hulyo 23.

Ang registration period ay mula Hulyo 4 hanggang 23, Lunes hanggang Sabado, 8 a.m. hanggang 5 p.m.

Leave a Reply