By Christian Dee
MAYNILA – Ibinahagi ng aktres na si Jaclyn Jose na hindi siya binati sa kaniyang kaarawan ng anak niyang si Andi Eigenmann.
Sa mga larawang ipinakita ni Jose sa Instagram, pinasalamatan niya ang mga kaibigan at pamilya.
“Thank you tita Emmy Edith, fam ..one for the book.one of my most BDay celeb,” saad ng aktres.
Ilang mga malalapit sa puso ng aktres ang nagpaabot din ng pagbati sa kaniya sa kaniyang ibinahaging mga larawan.
“Salamat! So much appreciated! luv you all,” pasasalamat ni Jose sa mga pagbati.
“Sana bumati si Andi Para mas complete.oh well,” hiling niya na para mas kumpleto ang kaniyang selebrasyon ng kaarawan.
Bukod dito, nagbahagi rin ang aktres ng larawan nila ng isa pa sa mga anak nito bilang pasasalamat.
Nabanggit din sa Instagram post na ito na nakausap niya ang kaniyang apo, ang panganay na anak ni Andi, na si Ellie sa FaceTime at binati aniya siya nito.
