Sinabi ni Surigao del Norte First District Representative Francisco Jose Matugas II noong Biyernes na ang terminal ng Siargao Airport ay “totally damaged” dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.
Sinabi ni Matugas na ang epekto ng sama ng panahon sa sikat na tourist destination ay mapaminsala, at binanggit ang impormasyon mula sa officer-in-charge ng airport na si Richard Alas.
“It is regrettable however that the Siargao Airport terminal was totally damaged. Per Mr. Alas’ initial assessment, the damage of Odette in Siargao is devastating. There are no updates yet as to casualty,” ayon kay Matugas.
Sinabi niya na ang runway ay nalinis na at wala nang mga debris. “Thus, planes and choppers carrying relief goods can land,” ayon kay Matugas.
Dalawang pribadong eroplano mula sa Legaspi City ang magdadala ng isang grupo ng mga doktor, gamot, at first-aid kit sa Siargao upang tumulong sa mga emergency at rescue operations, ayon sa mambabatas. (By: Frances Pio)
