By: Frances Pio

––

Binaril ang isang lider ng local transport cooperative at coordinator ng partylist group na Bayan Muna noong Linggo ng umaga sa harap ng kanyang tahanan.

Naglilinis ng kanyang tricycle si Larry Barnuevo Villegas, 64, Chairman ng Rajah Buayan Transport Cooperative, sa kanyang tahanan sa Purok 1, Barangay Buayan pasado alas-6 ng umaga nang siya ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman na sakay ng motorsiklo, ayon sa ulat ng pulisya.

Ang biktima, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa hita, ay ginagamot ngayon sa Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa Lungsod ng General Santos.

Leave a Reply