By: Frances Pio

––

Maaaring tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa bansa hanggang P119.53 kada litro o humigit-kumulang P1,314 per 11 kilogram cylinder kung patuloy na tataas ang presyo ng gasolina sa world market, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Lunes.

Sinabi ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr., na ganoon ang mangyayari kung ang presyo ng langis sa Dubai ay umabot sa $140 kada bariles. Sa $120 kada bariles, umaabot ang presyo ng LPG sa P106.38 kada litro habang sa $130 kada bariles, ang presyo ng LPG ay inaasahang aabot sa P112.95 kada litro.

Samantala, iniulat din ni Erguiza na ang presyo ng gasolina ay inaasahang aabot sa P86.72 kada litro, ang diesel sa P81.10 kada litro, at kerosene sa P80.50 kada litro kung ang pandaigdigang presyo ng langis ay umabot sa $140 kada bariles.

Leave a Reply