By Christian Dee
MAYNILA – Ayon sa ulat ng Department of Health, umabot na sa mahigit 66,000 ang bilang ng mga nasawi sa bansa kaugnay ang coronavirus disease.
Sa COVID-19 Case Tracker ng ahensya ngayong araw, Pebrero 21, makikita ang bilang na 66,039 na naitalang namatay sa COVID-19.
9,211 namang ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID sa bansa base sa tala ng DOH, habang 4,000,361 naman ang mga naka-recover.
Una sa listahan ng mga may pinakamaraming naitalang kaso ng naturang sakit ang National Capital Region na may kabuuang bilang ng kaso na 1,312,226. Sinundan ito ng Region IV-A o CALABARZON na may 728,382 na kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19.
Ang Region III o Central Luzon naman ay mayroon nang kabuuang bilang na 401,073 COVID-19 cases; Western Visayas, 218,196; at Central Visayas, 209,596.
Quezon City naman ang may pinakamaraming naitalang COVID-19 cases na lungsod/probinsya na umabot sa 275,784. Sinundan ng probinsya ng Cavite (242,870), Laguna (181,846), Maynila (165,356), at Rizal (158,679).
