By Christian Dee
MAYNILA – Papunta na sa Egypt ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Eco International 2023 na si Ashley Montenegro.
Sa Instagram post ng beauty queen, ibinahagi niya ang ilang mga larawan niya habang bitbit ang watawat ng bansa sa loob ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1
“And I’m off. See you guys soon, I’m really looking forward to meeting all the other candidates of Miss Eco International when I land in Egypt tomorrow!” saad niya sa kanyang Instagram post.
Ipinaskil ito ni Montenegro bago siya lumipad patungo sa bansang pagdarausan ng naturang international pageant.
Ang ina ni Montenegro ay isa ring beauty queen na itinanghal noong 1994 bilang Binibining Caroline Subijano at ang kanyang ama naman ay ang dating aktor na si Hans Montenegro.
Nakatakda namang sumabak sa Miss Eco International si Ashley sa darating na March 4 sa Egypt para makuha ang back-to-back na pagkapanalo para sa bansa.
