By: Margaret Padilla

Kinilala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ilang kilalang personalidad na Filipino bilang “Top Tax Paying TV and Movie personalities” para sa taong 2022.

Kabilang sa mga nailista ng (BIR) bilang mga Filipino artists na nagbayad ng pinakamataas na buwis ay ang ABS-CBN celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang multi-awarded comedian ng GMA na si Michael V., actress-dancer na si Maja Salvador, at Eat Bulaga pioneer host, Vic Sotto.

“Maraming-maraming salamat sa award na ito! Maraming-maraming salamat sa dami naming binayaran na tax,” ang sabi ni Daniel. 

“Thank you so much for this recognition. Malaking bagay ito sa amin and  hopefully this will inspire everybody to do our responsibility bilang Pilipinong magbayad ng tax,” ang pahayag naman ni Kathryn. 

Gayundin, sa event na ginanap sa Fisher Mall sa Quezon City kahapon, Marso 8, pinarangalan din ang mga GMA News top taxpayers na sina Jessica Soho, Mel Tiangco, at Mike Enriquez. 

Iba pang celebrities na kinilala ng BIR ay sina Judy Ann Santos-Agoncillo, Liza Soberano, Sarah Geronimo, at Willie Revillame.

Ang mas mayayamang Pilipino ay nagbabayad ng mas maraming buwis sa ilalim ng sistemang “progresibong pagbubuwis” na ipinatupad ng 1987 Constitution.

Binigyang-diin ng bureau sa publiko na ang deadline para sa pagsusumite ng tax returns ay Abril 15.

Leave a Reply