By Christian Dee
MAYNILA – Isinagawa ngayong Huwebes, Marso 9, ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Ang isinagawang malawakang earthquake drill ay para sa unang quarter ng taong 2023 kung saan nakiisa ang ilang mga ahensya ng pamahalaan.
Isa ang DSWD Disaster Response Management Bureau sa mga nakiisa sa NSED 2023.
Anang Disaster Response Operations Monitoring and Information Center sa isang social media post, ang pagsisikap ng pamahalaan na isulong ang pagiging handa at pagiging matatag mula sa mga sakuna sa mga komunidad, sa pamamagitan nitong NSED, ay isang malaking hakbang sa pagtataguyod ng pakikilahok at kamalayan ng komunidad.
Nakilahok din ang Department of Public Works and Highways sa isinagawang earthquake drill ngayong araw.
“Duck, Cover, and Hold” exercise is an appropriate and safe action to reduce injury and death during earthquakes,” saad ng DPWH sa post nito.
Ilan pa sa mga nakiisa sa First Quarter NSED 2023 ay ang Department of National Defense, Department of Information and Communications Technology, Light Rail Transt Authority, Mines and Geosciences Bureau, Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. din ay nakilahok sa naturang ehersisyong isinagawa ng NDRRMC.
