By Christian Dee

MAYNILA – Magkakaroon ng libreng sakay para sa mga empleyado ng Bank of the Philippine Islands sa susunod na linggo, ayong sa naturang bangko nitong Biyernes, Marso 3.

Dahilan ito ng inaasahang tigil-pasada na ikakasa ng ilang mga transport groups simula sa Lunes para sa kanilang pagtutol sa jeepney modernization program.

Isang linggong tigil-pasada ang inaasahan sa darating na Lunes, kaya naman pati ang ilang mga lokal na pamahalaan ay magsasagawa ng libreng sakay para sa mga pasaherong maapektuhan.

Handa na ang lungsod ng Valenzuela at naglabas na rin ang lokal na pamahalaan nito ng itinakdang oras at biyahe para sa kanilang libreng sakay.

Simula Marso 6, 5:30 a.m hanggang 10:00 p.m, mag-de-deploy ng 8 truck para mga komyuter.

Ayon sa anunsyo nito, ito ang bilang ng mga truck na magagamit para sa mga sumusunod na ruta:

  • MacArthur Highway, Malanday – Marulas: 4 trucks
  • Malanday – Polo: 1 truck
  • Malinta – Novaliches: 2 trucks
  • Polo – Monumento: 1 truck

Sa Maynila rin ay isasagawa ng lokal na pamahalaan ang Libreng Sakay simula Lunes, 5:00 a.m. – 10 a.m. at 4 p.m. – 10 p.m. matapos ipag-utos ng alkalde nito na si Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa Manila Police District, Manila Traffic and Parking Bureau, at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office na mag-deploy ng mga sasakyan para sa mga pasaherong posible ma-stranded bunsod ng tigil-pasada.

Leave a Reply